Pag-inom ng Ginseng

Pag-inom ng Ginseng
(para kay Maningning Miclat)

Isang gabing matapos ang basahan ng tula
Sa Quezon Memorial Circle,
Dinala kami ng aming mga paa
Sa inyong tahanan sa BLISS,
Pagpasok sa sala binati kami ng iyong tatay
At pinainom ng ginseng.
Paglakad ng sandali, ang sabi ko sa sarili,
Iyon pala ang tatay mo, Maningning.
Tatay mo nga ba o hinugot lang
Sa lamyos ng iyong ngiti
Tulad ng di maarok na talon
Sa dibdib ng Tsina,
Bumubulusok sa tula at puting-puti.
Ngunit pula ba ang mga hinagpis
Sa kanyang mga litid?
Ikaw, gumigiyagis sa aking lalamunan,
Nararamdaman ang badya ng ulan
Sa ‘yong mga mata.
Ngunit bawat tilamsik ay kasinglalim
Ng pilantik ng iyong mga daliri,
Maningning na maningning.

Quezon City, Philippines (1991)

Published in Diyaryo Filipino (1991) and “Beauty for Ashes: Remembering Maningning” (Anvil Publication, 2001)

Maningning

(www.maningning.com)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s