Unang Bote

Unang Bote

Sa aking pag-iisa dito sa isang inuman
sa tabing kalsada ng Quezon Avenue,
wala pa ang mga parokyanong maya’t-maya’y
magsusulputan at mag-iingay sa kalasingan.
Hinihintay ko lang na tuluyang lumalim ang gabi
na parang sugat, hindi magbibigay ng awa
sa mga taong lugmok sa lungkot
hindi malaman kung papaano palilipasin
ang isa na namang pakikipagtunggali
sa bagsik ng mga ilaw-dagitab,
ang katahimikang nanghahataw ng lakas,
susuka ka na lang sukat ng mga patay
na bituin at maging pangalan mo’y walang bakas.

Hindi ko naman nararamdaman ang pagbubuwal
ng lakas gayong nararamdaman ko rin ang lungkot.
Hindi ako magpapakamatay. Hindi pa o hindi na.
Tanggap na tanggap ko ang lahat
tulad nang sabihin ng isang matanda
na ang buhay ay isang bangungot, bangungot, bangungot.
Nagsisimba ako at palaging kausap ang Diyos,
pilit na gumagawa ng makabuluhang pakikipag-ugnayan
sa mga api, mga patapon, silang tinakasan ng bait,
kahit na sa kanilang nabubuhay sa kababawan
ng halakhak. Nagkakasala maya’t-maya
ngunit huhugasan ang puso ng kapangyarihan
ng tula. Tulad nito, ang gabing ito’y isang bulaklak
na nagbibigay ng samyo ng kalungkutan,
pero maglalakad ako na matibay at makisig,
magpapasalamat sa mga sindak
na sinasaksak ng buhay gayong ako’y taung-tao lamang,
walang bumabalot na agimat o kapangyarihan.

Quezon City, Philippines (1991)

 

Advertisements

One thought on “Unang Bote

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s