Bisita

Bisita

Dito sa mumunting sulok ng bundok
Pinakikiramdaman ko ang halos delubyong
Silakbo ng ulan, sa kalaliman ng gabi,
Habang nakabaluktot sa kumot at kahoy na sahig.
Panakanakang hinahabol ng alaala ang naglalahong
Mga tagpo sa kadadaang panaginip.
Ngunit kinakaladkad upang ilibing ng ragasa
Sa lupa nang walang kalaban-laban.
Ang ganitong hampas ng ulan na wari’y ibig
Punitin at wasakin ang lahat ng bagay at buhay
Ay tinatanggap ko na lang nang may lalim
Ng pananampalataya, ipinapapasok sa templo
Ng kapayapaan upang hanapin ang sarili
Niyang paghupa. Samantala, tinititigan ko
Ang kadiliman at malaya kong binabaybay
Ang samutsaring daigdig katulad ng pira-pirasong
Salamin na naglalaman ng liwanag at dilim,
Uniberso at teksto, burak at pag-ibig.
Nagsisimula at magtatapos ayon sa diskurso
Ng natural at spiritwal anumang pagdating, maging
Buntong-hininga naging ulan sa ibang lupain.

Setyembre 20, 2007
Koh Kong, Cambodia

Advertisements

2 thoughts on “Bisita

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s