Ngunit Paanong Masasabing…

Ngunit Paanong Masasabing…

Sa papaubos na kape sa bughaw na tasa
kasamang hinihigop ng init ang alab ng isang ibon
sa pagtiklad ng tuyong damo sa kanyang tuka at balik-lipad
nang ilang ulit sa siwang ng tuktok ng bahay para sa
paghahanda ng pugad.

Sa lumiligwak na buhay ngayong araw sa masiglang alon
ng hangin, may kung ano-ano pang bagay
ang pumapalo sa kamay ng orasan
na hindi ko na ikinagugulat o ipagbubuhos pa ng sentimyento.

Katulad ng ibon, ang hangin ay kumakatha nang pabalik-balik
na ulirat ng katatagan ng tiwala at pag-asa
sa bawat dampi sa balat. Katulad ng minimithing paglalakbay
sa hinaharap, sa paghupa ng disgrasya at karahasan,
sa maayos na pagdaan at pagtatawid ng buhay at kamatayan.

Sa isang tahimik na hapon tanging mga puno
at tunog ng mga ibon ang kasamang nagdaraan lang din.
Tawagin mang paraisong oras, kagyat na lilipas,
mananahan sa panaginip ng hangin.

21 Marso 2010
Koh Kong, Cambodia

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s