May Buwan sa Luang Prabang

May Buwan sa Luang Prabang

Sa di ko inaasahan dahil pilit
Kong inaaninag ang tubig ng Mekong
Sa makapal na dilim,
(Paunti-unting nilalaklak ang beerlao,
Pinaplano kung paano lalabas
Sa nakaliliyong ganda na ito,
Kung babalik ba ng Vientianne
At lulusot sa Nhong Khay
O susuungin ang Mekong panorte
Hanggang makarating sa Huangxai)
May matutunghayan din pala
Akong lamya ng liwanag
Sa kalawakan.
Sa matamang pagmasid
Ang buwan ay nakatusok
Sa isang stupa, napakarikit,
Pinaiigting ang kapayakan ng gabi.
Ganito marahil kung umusbong
Ang pagnanasa
Na marating ang kapayapaan
Ng puso.
Di man hanapin ay kusang
Darating, walang kinikilingang
Pangalan ng pananampalataya,
O iniibig.
Isang sandali sa libolibong
Sandali, nagbabalik ang liwanag,
Ang tiwasay na pagtutulay
Sa mga ilog at bangin.

Septyembre 2002
Luang Prabang, Laos

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s