Unang Pagkahumaling sa Disyembre

Martes, 01 Disyembre 2009

Bagong Disyembre. Di ko napansin (o sumagi sa aking isipan) nang buksan ko ang pinto ng balkonahe at binati ako ng isang malamig at maaraw na umaga. Ramdam ang lamig ng semento sa mga paa. Dahil sa klima at magaang dantay ng sikat ng araw sa nagsisimulang sigla ng Phnom Penh, maaliwalas na pananaw ang naghugyat ng simula ng araw ng Disyembre, kahit na sabi ko nga sa mga sandaling iyon ay hindi ko batid ang pagdating nito at ang muling pagdausdos ng pinalitang buwan.

Sa TFC, sa programang Umagang Kay Ganda, nagsipaghain na ng kandidatura ang mga tatakbong pulitiko sa halalan sa 2010. Kanina ang mga kandidato ng administrasyon ang umarangkada sa kalsada. At si Presidente Arroyo ay sa di mawaring takbo ng pag-iisip ay tatakbo nga sa pagkakongresista sa Pampanga. Ang tanong ay bakit pa?

Bago ako tumulak pabalik sa aking area ay napadaan muli ako sa Bohr’s bookshop. Noong una sabi ko sa sarili ay huwag na muna. Pero siguro katulad ni Arroyo kung siya ay hibang sa kapangyarihan, ako ay talagang hibang sa libro. Kaya ang aking mga dagdag- walang bawas- ay ang Crime and Punishment ni Dostoevsky (kahit na nabasa ko na sa kolehiyo at dahil na rin sa bagong translation), Tropic of Capricorn ni Henry Miller, at mula sa isang kontemporaryong Australyanong manunulat  na si Elliot Perlman sa kanyang akdang Seven Types of Ambiguity na siya kaagad kong sinumulang basahin sa bus.

Bago ang buwan, manong sabayan ng bagong karanasan sa mga ideya at kamalayan.

Koh Kong, Cambodia

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s