Palagi ang Musa

Palagi ang Musa

palagi nawawala siya
kahit na hangin ay walang magawa
sa pagbubulong sa kanya
kahit na pagod ka na sa pag-iisa
bumabagsak ang mga mata sa
paghahanap sa di maapuhap na hiwaga
namumukadkad na ang lahat-lahat
bulaklak, ulan, dugo, panibugho,
spiritwalidad, ngunit ni anino
ay di dadapo maging sa alimbukay
ng mga ulap, tumingala ka man,
lumingon sa walang hanggang sulok
ng daigdig, hindi siya magpapakita,
hindi magpaparamdam
at kung bumalik man ay sa
panahong limot mo na siya
marami na ang sa iyo’y nagdaan,
paglisan, kaarawan, pagsilang,
pagdiriwang, kamatayan, ngayong
hindi na siya ang tinitibok ng puso,
ay siya na muling lilitaw
manunukso, manunubok,
mambabaligtad ng mundo.

Pebrero 2003
Takeo, Cambodia

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s